Life as it happens. Time as it passes.

Ironies 1

1. Hindi naman lahat ng babae, pero may ilan na kinareer na ang pagpaparetoke. Pinaretoke ang ilong, noo, kilay, pisngi, labi, baba, dibdib, balakang, pati hita. Pati kulay na kayumanggi, pinipilit gawing kulay kinilaw.

Eto ang malupit d’yan: pagkatapos na ma-peke nila ang lahat sa katawan nila, sino ang hanap nila?

Totoong lalaki.

2. May kakilala naman ako, nagmi-meeting kami. Siya ang moderator. Kinilabutan nga ako eh, kasi nanginginig na siya, nagha-hyperventilate pa! Ang boses, sa kasisigaw, parang naka-backmask na cassette tape. Hindi ko alam kung may ka-cha-cha siya, pero panay ang lakad niya paroo’t parito. Ang mood niya? Pinaghalong galit, asar, balisa, inis, iritado, at lito. San ka pa?

Siya nga pala, ang topic nung meeting eh Panic Control.

3. Hindi naman siguro lahat, pero may ilang mga ganito rin talaga. Sumakay ako nang taxi papuntang Makati galing Pasay. Bilib na sana ako sa driver. Kumpleto siya ng lahat ng mga religious figures sa sasakyan niya. Mukha na ngang altar yung dashboard niya eh. Pati yung stickers na nakadikit sa mga pintuan napaka-pacifist ang mga mensahe. Pero nung may nag-cut na multicab sa harapan namin…

p@t#ng !n& mo! !@#$%^&*()(*&%@!@$#%(&^%$#!

Amen-na ang bayad ko…

4. Saludo na sana ako dun sa valedictorian nung isang high school na i-attend-an ko yung grad rites nila. Hinakot niya ata lahat ng awards sa school. Lahat ng academic achievement excellences nakuha niya. Nakayuko na nga siya nung matapos yung awarding segment sa bigat ng leeg niya sa dami ng medal. Ah, eto na yung much awaited valedictory speech.

“I would like to thanks be to God…”

Naloko na.

Hep, hep! Hindi pa tapos.

Eto yung ending…

“Today, it’s gonna to be a great days for the youth of the future.”

Ang hirap palang pumalakpak kapag nahihirinan ka sa kakatawa?!

Advertisements

2 responses

  1. * hindi ako tatawa… hindi ako tatawa…. *

    “Today, it’s gonna to be a great days for the youth of the future.”. Mwahahaha. di ko talaga kayang pilitin. This mades me laughs so very hards!!

    March 13, 2009 at 8:41 AM

  2. hahahahahahahahahahahahahha

    the last one’s my fave! I’m an English major, so I’m a little sensitive when it comes to improper English and wrong grammar hehehe

    ako rin, this mades me laughing so hardly!!!

    March 13, 2009 at 9:57 AM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s