Life as it happens. Time as it passes.

Batis Ng Diwa: Kulturang Freshie (part 2)

I Curie

Palibhasa’y mga bagong salta sa buhay high school, ang aming mga bag noong unang taon nami’y medyo mabigat-bigat pa’t makapal-kapal pa; masipag-sipag pang magdala ng mga textbook at mga makapal na notebook, pati na yung mga kung anu-anong gamit sa eskuwela. Pagka minsan pa nga’y nagtataka kami sa mga nauna sa aming mga MaScians kung bakit maninipis ang mga bag na nakasukbit sa likod nila. Ang ilan pa nga, imbis na notebook ang laman ng bag eh puro make-up kit, burloloy sa katawan, at pabango ang laman. Taon rin ang lilipas bago namin mainitindihan yun.

Usung-uso pa noong mga panahon na yun ang maglagi sa library. Sa unang buwan pa lang eh nag-uunahan na ang ibang mga estudyante na magpalit na ng borrower’s card dahil napuno na sa dami ng nahiram. Hindi pa ganoong kasikat ang internet at medyo ka-iinstall pa lamang ng Windows 95 nung mga panahong iyon.

Nagmula ako sa isang mabababng paaralan na lima lang kaming nagtapos. Kaya medyo kakaiba ang pakiramdam na may 36 anim kang kaklase sa isang section pa lang. Kung dati’y makakatatlong ulit ka sa recitation, may mga araw na ni isang beses ay hindi ka matatawag.

Nagkalat ang mga freshies sa buong MaSci noong unang taon namin. May mga nakatambay sa grandstand, sa ilalim ng CompSci Building, sa lobby ng Bordner, sa hallway ng main building, pati sa second floor ng THE Building. At noong mga panahong ‘yon, ang dahilan ng mga kumpulang ito ay mas madalas na pag-aaral.

Siyempre, bilang isang tinitingalang institusyon, may mga patimpalak ang MaSci para sa lahat ng mga estudyante. Nariyan yung sabayang bigkas, choric interpretation, carol fest, at marami pang iba. Sa mga pagkakataong ito lumulutang ang ilang mga pangalan ng mga freshies na potensyal para sa mga laban sa labas ng paaralan. Ito ang unang hakbang para ang pangalan mo, balang araw, ay maisulat ng mga malikhaing kamay ng mga estudyante sa Practical Arts, sa mga blackboard na nagkalat sa buong hallway, ihinahayag ang tagumpay na napanalunan para sa paaralan.

Pero, siyempre, hindi rin kapani-paniwalang walang ibang ginawa ang mga freshies ng 1996 kundi mag-aral. Nitong mga panahong ito rin nagsimulang mauso ang Magic the Gathering sa paaralan, at ang mga first year ay agad nakisawsaw sa larong ito. Minsan nang nahuli at na-guidance ang mga estudyante mula sa isang section dahil nahuli silang naglalaro ng Magic. Hulaan niyo kung sino ang nakahuli?

Si Ms. Eva Dolormente.

Hwaaaaaaaaaaaaaaah!

Mula dito’y nabuo ang Tropang Guidance Bring Parents.

Tuwing palitan naman ng mga guro at subjects, parang langgam ang mga estudyante na lilipat ng mga kuwarto. Minsan pa nga’y minamalas ang isang section na magkasunod ang nakakapagod at nakaka-tagaktak-pawis na PE at ang Com Sci (na ginaganap sa isang air con na kwarto). Aba, sino ba namang hindi mapapagod atpagpapawisan, matapos mong career-in ang Ruggamuffin Girl?

At marami pang mga pangyayari at kaganapan sa buhay freshie sa MaSci ang maaari ko pang isalaysay, ngunit kukulangin ang isang buong sesyon ng usapan para mabuo mo lahat ng mga kakatuwang alaala. Sa ngayon, ito muna ang ilan na nagpapaalala sa atin sa halos nalilimot at nabubura nang mga larawan ng ating buhay freshie.

Advertisements

4 responses

  1. Jason Abitona

    tropang guidance ako!

    September 2, 2009 at 1:41 PM

    • rcandcess

      Hahaha! Tama brod! Mabuhay ang TGBP!

      September 2, 2009 at 1:43 PM

  2. Emman

    Reyzel! Bakit class picture ng Curie nakapost dito? Di ba Descartes tayo? :P

    September 5, 2009 at 8:43 PM

    • rcandcess

      Wala ako mahanap na atin. Ok lang yun: these posts are in behalf of all of us naman eh. =)

      September 5, 2009 at 9:24 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s