Life as it happens. Time as it passes.

The Final Pulse 3

Pinagharap-harap natin ang lima sa pinaka-sikat at hinahanap-hanap sa mga lahi ng mga SILOG. Tinanong natin ang sangka-blog-an kung alin sa limang silog ang pinakapatok.

At matapos ang sandaang tugon, heto na ang resulta:

longsilog1. LONGSILOG (40%)

Samahan mo pa ng suka, atsara, at isang bote ng nagye-yelong softdrinks, at yan na ang tamang kombinasyon para sa hari ng mga silog!

tocilog2. TOSILOG (22%)

Pwedeng gawa sa baboy, manok, o kaya nama’y ang pinaka-bago–isda! Ano mang karne ang gamitin, hindi pa rin mawawala ang manamis-namis na luto ng tosino, sinangag at itlog. Lahukan mo na ng kamatis at toyo para talagang giba sa sarap!

tapsilog3. TAPSILOG (18%)

Ito pa rin, sa lahat ng silog, ang pinaka-unang kinumbina bago pa ang lahat. Kaya naman patok din sa lasang Pinoy ang tapa, sinangag at itlog.

chicksilog4. CHICKSILOG (14%)

Bagama’t all-time paboritong ulam ang pritong manok, mukhang hindi naman siya ganoong kasikat, lalo na kung itatambal mo ang manok sa anak niyang itlog! Pero, pwede na rin sa 14% ng ating mga kababayan ang pinagsamang pwersa ng inahin at ng kanyang anak.

porksilog5. PORKSILOG (6%)

Ayon sa mga nakausap ko, mas bagay sa baboy ang lutong litsong kawali kesa sa kombinasyon nito sa itlog at sinangag. Gayunpaman, may mga ilan din namang namamanata sa porksilog bilang patok na kumbinasyon tuwing kainan na!

O… ano pang hinihintay niyo? KAIN NA!

Advertisements

4 responses

  1. putek naglaway ako bigla pre!

    September 4, 2009 at 12:17 PM

    • rcandcess

      hehehehe! tsarap-tsarap no? kain na brod!

      September 4, 2009 at 12:21 PM

  2. dyanhope

    Rufo’s tayo!!! hehehe

    September 9, 2009 at 9:52 AM

  3. RCandCess

    oo nga dyan! yum! tapos dessert natin yung leche flan! panalo!

    September 9, 2009 at 11:18 AM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s