Life as it happens. Time as it passes.

Posts tagged “UP

Ironies 6

1. Huwag niyo ako sanang mapagkamalang ingrato sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa totoo lang, taas noo kong ipinagmamalaki ang aking dugong pagka-iskolar ng bayan. Itinawid ako ng mga mamamayan ng ating bansa sa pamamagitan ng kanilang buwis, at dahil diyan ako ay nagpapasalamat sa Unibersidad.

Huwag niyo ako sanang mapagkamalang ingrato sa Unibersidad ng Pilipinas. Apat at kalahating taon din ang iginugol ko na pamamalagi sa kanyang malawak na lupain. Naranasan ko ang kultura at impluwensya ng iba’t ibang lahi na nagsasalubungan sa mga daanan, tambayan, kainan, at antayan ng jeep. Nakilala ko ang iba’t ibang tao at ang kanilang iba’t ibang damit, punto, linggwahe, mura, kaisipan, kaguluhan, suliranin, kakayahan, katalinuhan, katapangan, katatagan, at mga paniniwala.

Huwag niyo ako sanang mapagkamalang ingrato sa Unibersidad ng Pilipinas. Kanlungan siya ng mga pinagpala ng kakaibang katalinuhan at karunungan. Dito humuhugot ang bansa ng kanyang mga pangulo, punong bayan, manananggol, inhinyero, manggagamot, dalubhasa, manlililok, pintor, musikero, at iba pa. Dito ipinapanganak ang mga bagong tuklas, imbensyon, konsepto, teyorya, at mga patakarang panlipunan.

Huwag niyo ako sanang mapagkamalang ingrato sa Unibersidad ng Pilipinas. Pero saan mo makikita ang liwanag na ito?

Sa Diliman.

2. Minsan may isang politiko na natanong kung bakit nga ba sa pagtatapos ng kanyang termino ay ni minsan hindi niya natupad ang pangakong pagpapaayos ng daanan sa kanilang barangay. Narito ang ‘di malilimutang sagot ng politiko:

“Nangako na nga ako, tutuparin ko pa?”

3. Narito ang ilan sa mga maling sagot sa tamang tanong:

q: “Kumain ka na ba?”

a: “busog pa ako.”

q:”Anong gagawin natin?”

a:”Ikaw”

q:”Gusto mo?”

a:”hindi, sige…”

q:”San ka na?”

a:”Papunta pa lang…”

q:”San ka galing?”

a:”Bakit?”

q:”Bakit mo ginawa yun?”

a:”Wala lang!”

4. Ayos din naman yung katulong nung kapitbahay namin. Binago niya yung lyrics nung isang kanta ng Pussycat Dolls na hindi niya alam. Nung pinakinggan ko naman, mukha namang may sense yung bagong lyrics:

“Dontcha wish your girlfriend was hot like me…

…GOTCHA!”

5. And today’s bad english story:

I never thought this would ever happen in school.

In a public high school in PC, I dropped by for a chat with a friend who was teaching Physics there.  I caught him in the middle of his class. The following dialogue happened inside his class:

Teacher: “OK class, what is the branch of science that deals with the motion of objects.”

SS (studyanteng sablay): “Ma’am,Physics, ma’am!”

Teacher: “Very good, SS. And what do you call people who study Physics?”

SS: “Physicians po!”

Doctor, doctor, help me quick!

Advertisements

Gintong Aral Mula Sa UP-Ikot at UP-tokI

Sa UP dalawa kadalasan ang ina-attend-an mong graduation: the college graduation and the university graduation. Because the college graduation recognizes its individual graduates by name, most students prefer attending this rather than the university graduation, which, of all misfortunes, takes place in the UP Ampitheater, kung saan pwede kang maluto sa init, or kung hindi naman, matunaw pag umulan. It also normally happens during Sunday, a day which I regularly set aside for church. In short, I had all the reasons not to attend the university graduation rites.

Pero dahil tig-dalawa lang ang puwede pumunta sa parehong rites, we decided that my dad and mom attend the college rites, then my sister and my mom attend the university rites (and it is because of this that my sister, who is set to graduate on April, is blackmailing me na mag-attend sa grad niya, kasi nga nag-attend siya nung sa akin).

The university graduation rites would have been easily a forgettable one. But for two reasons, I wouldn’t forget it. First, it was through the university grad rites I found out that I was batch mates with Theresa Licaros (one of the recent Bb. Pilipinas-Universe winners). But that reason, itself, would hardly mean anything when my hair is fully gray, and I get my grandkids sit around my rocking chair and tell them about it. And so it is for the second reason that, I guess, my attendance to the university graduation rites had found its meaning.

Ang guest speaker namin noon was the musicman Sir Ryan Cayabyab. His message for the graduates that Sunday afternoon had not much profundity into it, which I actually liked. He talked candidly, na para bang may lamesa sa gitna namin at habang nagpapasahan ng cornik eh siya ang bangka ng kuwentuhan. Yun nga lang, posturang postura kaming lahat na nakabarong, kaya malayong mapagkamalang huntahan lang yun. Yung iba nga, para nang inaagnas ang mukha dahil na rin sa kapal ng make-up na inilagay.

Sa dinami-dami ng sinabi ni Sir C, isang quote ang hindi ko makakalimutan:

tokikot

“Dito sa UP, may biyaheng Ikot, at biyaheng Toki. Magkamali ka man ng baba, puwede mong balikan—lilipat ka lang ng jeep. Sa buhay natin, walang biyaheng Toki na puwede mong sakyan pag nagkamali ka sa biyaheng Ikot. In short, wala talagang pabalik na biyahe sa buhay.”

Oo nga naman.

Ang totoo niyan, alam naman nating lahat ‘to, eh. Pero, minsan, hindi na natin inaalala yung mga ganung bagay kasi masyado nang nagiging trivial. Mabibigla ka na lang na, ayun, lumampas ka na, at kahit anong maniobra pa eh wala ka nang magagawa.

I think what that message really meant is for us to be careful with every decision we make. They maybe small and seemingly insignificant for us right now. But only time will reveal how gravely important it was for us to have taken heed on these small details that only time can tell how big their consequences are.

Hindi ko na tinapos yung rites. Niyaya ko na ang nanay ko at kapatid ko na umalis na at magsimba na kami sa church namin. Ewan ko sa kanila, pero ako, narinig ko na ang dapat kong marinig.

PBA09pn8r27n